I hope
Five years from now
sana at gusto ko may trabaho/nakakapagtrabaho
na ako. Hindi ako nag eexpect na at that time
na may stable na ako trabaho kasi hindi ganon
kadali lang yon. I know
na that time i will still continuing na mag improve
at maghanda sa mga hamon na mangyayare dahil we
can’t see future. We can plan for it pero hindi
ako naniniwala na we can imagine kung ano ang magiging
future natin or yung mga mangyayare satin for
the coming years.
sana after five years nahanap ko na yung yung sarili ko.
Yung sarili ko na hindi na natatakot sa mga bagay bagay,
yung sarili ko na handa na sa mga bagay na mangyayare.
I’m actually scared to grow up. Natatakot ako kasi baka
hindi ko kaya, baka hindi ko kaya yung hamon ng buhay pag
nasa stage na ako na nagtatrabaho na ako. Bilang taong
mahina ang loob nakakatakot feel ko sobrang fragile ko.
Actually totoo na ang fragile ko, i’m one of the sensitive
person that you may know. Takot ako masigawan,
takot ako mapagalitan, takot ako magkamali, takot
ako mapahiya kaya sobrang ingat ko palagi sa mga galaw
ko, and for me that attitude is not good, hindi siya
maganda ng mindset sa tao. As i grow older i realize
na dapat handa tayo sa lahat handa sa failure,
handa mapagalitan, handa masaktan kasi para sakin hindi
tayo mag grow kung hindi tayo tatanggap ng mga pag kakamali
natin, kasi for me the more na natuturuan or napapagalitan
tayo dun natin marrealize na kung ano yung dapat gawin and
pwede tayo mag bago for the better because of that
one failure. Hindi pala masama magkamali.
As a college student and the oldest among the siblings
ang mindset ko is gusto ko na magtrabaho gusto ko
mag working student para makatulong sa mga magulang ko,
pero narealize ko na dapat we always take time. One
at a time, we don’t need to rush things para sumang
ayon satin yung panahon. Always choose to enjoy life,
kasi para sakin hindi natin kailangan madaliin ang panahon.
This generation is extremely hard for me, at alam
ko sa iba rin. Alam kong walang madali sa buhay kaya
let things happen. Let’s just enjoy what’s happening
and always do our best sa lahat ng bagay na gagawin
natin ngayon or kahit sa future man yan. Naniniwala
ako na hindi ako binibigyan ni Lord ng mga hamon sa
buhay na hindi ko kaya, kaya i will fight everyday and
do my very best para makamit ko yung mga pangarap ko
para sakin at para sa pamilya ko. Kaya i hope and pray
na atleast five years from now ay may trabaho na ako,
if i do that i will definitely be proud of myself.